Ang gawaing aming ginawa ay para sa Proyektong Panturismo sa Filipino na may kaugnay din sa paghihikayat ng mga dayuhan na pumunta sa mga lugar sa Pilipinas at para makilala din ang mga lugar na ito para umunlad ang ekonomiya at para na din sa ika-uunlad ng ating bansa.
Ang blog na ito ay naglalaman ng mga Impormasyong nakalakip sa Lungsod ng Baguio,Ang mga lugar na maaaring puntahan o lugar bakasyunan ng mga turistang dumadayo sa ating bansa gayun din ang ating mga Kapwa Pilipino. Naglalaman din ito ng mga Iba’t-ibang produktong maaaring ipagbili sa dayuhan o maging sikat. Ang pagpapakita din ng mga Iba’t-ibang produkto ng Baguio ay nakatutulong para sa mga kalakalan ng ating bansa o ibang bansa. Isa rin sa mga laman nito ay ang mga Tanyag na tao o kinikilala sa bayang ito at ipinakikilala din dito ang mga nagawa ng ating Kapwa Pilipino na taga-Baguio.