Ang Ibaloi, binabaybay ding Ibaloy ay isa sa mga taong indihena (katutubo) o mga pangkat etniko sa Pilipinas na kapag ipinagsama-sama ay kilala bilang Igorot. Sila ay naninirahan sa kabundukan ng gitnang bahagi ng Cordillera sa Luzon. Mayroong limamput-limang libong Ibaloi at karamihan sa kanila ay matatagpuan sa timog bahagi ng probinsiya ng Benguetlick here to edit. | Ang Ibaloi ay isang tribo ng mga Igorot na naninirahan sa hilagang parte ng probinsiya ng Benguet. (1876) Ngunit ayon naman sa monograph na pinamagatang Aesthetics and Symbolism as Reflected in the Material Culture of the Benguet Ibaloi, ang karamihan sa mga Ibaloi ay naninirahan sa dakong timog at sa dalawang-katlo ng silangang bahagi ng Benguet. Ang populasyon ng mga Ibaloi ay puro sa mga munisipalidad ng La Trinidad, Tuba, Itogon, Sablan, Atok, Bokod, and parts of Kapangan at Kabayan. Ang Wika ng Ibaloi ay nag-ugat sa Malayo-Polynesian na sangay ng Austronesyanong wika. Ito ay may kaugnayan sa wika ng Pangasinan na matatagpuan timog-kanluran malapit sa Benguet. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nalilimitahan ang paggamit ng Nabaloi. Ang patuloy na pagsasawalang-bahala dito ay makakaimpluwensiya sa maaaring paglaho ng lenggwaheng Ibaloi sa mga susunod na henerasyon. Ang paggamit ng wikang Tagalog, Ingles at Ilokano ay mas nagiging dominante maging sa bagong henerasyon ng mga katutubong Ibaloi. Ang layunin ng awtor ay subukang iligtas ang lenggwaheng Ibaloi mula sa tuluyan nitong paglaho. |
1 Comment
|