- Lion's Head - Itinayo noong 1972 ng mga miembro ng Lion's Club International ng Baguio. May taas ito na 40 talampakan (12.19 metro) at matatagpuan sa Camp 6 Kennon Road.
- Mansion House - Isa sa mga opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas kaya mahigpit o restricted ang pagpapapasok ng mga tao dito. Maaaring tingnan ang Mansion House sa labas ng bakod na kahawig ng bakod sa Buckingham Palace.
- Camp John Hay - Dating recreational facility ng mga Amerikano na ginawang world class resort. Mayroong golf course, mini golf course, skating rink, picnic area, mga kubo at mga hotel para sa mga bisita.
- Teacher's Camp - Isang pasilidad na nasa pamamalakad ng DepEd, mayroon itong mga function halls, museo, mga kubo, at race track.