Ang Baguio ay isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet. Itinatag ang Baguio ng mga Amerikano noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak.
Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa. Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating Direktor ng John Hay Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya na magtatag ng isang kapistahan upang ipagmalaki ang masaganang bulaklak na matatagpuan sa Baguio. Sumang-ayon naman si Victor A. Lim, Tagapamahala ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at si Rogelio L. Singson. Itinatag ang proyektong ito upang tulungan ang lungsod na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon earthquake. Sa pagutulungan ng iba't-ibang organisasyon tulad ng John Hay Poro Point Development Corporation (JPDC), dating JHMC at mga boluntaryo na mahilig sa bulaklak, nabuo ang Baguio Flower Festival (BFF). Bahagi ng kapistahang ito ang pagbubunyi ng kasaysayan at kultura ng Lungsod Baguio at ng Cordillera. Ang logo na puro sunflowers ay masterpiece ng isang estudyante mula sa Baguio City National High School na nagngangalang Trisha Tibagin na sumali sa Annual Camp John Hay Art Contest. Si Macario Fronda naman na nagmula sa Saint Louis University ang nagsulat ng opisyal na himno na kasabay ang tradisyonal na sayaw ng Ibaloi, ang Bendian dance. Noong taong 1996, hinango ng flower festival ang Kankanaey na kung tawagin ay Panagbenga. Ito ay may kahulugang panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak na nilikha ni Ike Picpican, isang arkibista at kurado. Ipinagdiwang ang unang linggo ng flower festival noong Pebrero 9-18, 1996 sa komendasyon ng Resolution 007-1996. Mula noon, ang kaspitahang ito ay naging pangunahing atraksyon ng Lungsod Baguio na dinadayo ng libo-libong mga lokal at dayuhang turista upang matunghayan ang magarbong mga floral floats at street-dancing parade. Noong 2001, ang dating isang linggong selebrasyon ay naging isang buong buwan na pista sa komendasyon ng Resolution 033-2001. Noong Hulyo 2002, nabuo ang Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI). Noong umupo si Braulio Yaranon bilang alkalde ng lungsod, itinatag niya ang Baguio Flower Festival Association (BFFA), at mula noon ang dalawang organisasyon na ito ang punong namamahala na ng kapistahan. | Ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1900, at inilagak sa Kafagway na dating tirahan ng mga Tribung Ibaloy. Ginawang resort ng mga sundalong Amerikano ang Baguio noong panahong sakop ng Estados Unidos ang Amerika, matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa ng plano ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay lumot, dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman. Nasa hilaga ng Lungsod Baguio ang La Trinidad, ang Itogon sa silangan, at ang Tuba sa timog at kanlurang bahagi. Nakilala ang Baguio sa mala-ahas nitong lansangang tila pumupulupot sa katawan ng kabundukan; sa kagila-gilalas na tanawin mula sa matatarik na burol o bundok; sa mahalumigmig na hangin; sa makukulay na bulaklak; at sa mga pagkaing sariwa't nalalahukan ng mga sariwang gulay at pampalasa. Nagtatagpo sa Baguio ang sari-saring kultura, tao, moda, at pananaw na pawang lalong nagpasigla sa turismo. Ang Baguio hindi maitatangging isa sa pinaka magandang lugar para sa mga nag babakasyon.Ito din ay ang tinaguriang City Of Pines. Ang Baguio ay sagana sa mga pananim na tumutubo sa mga lugar na malamig o may mababang temperatura. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey Panagbenga |